aptenodyte

kahapon naka-chat ko bespren ko. tapos naiisip ko lahat ng iniisip ko gabi gabi. sabi niya ilabas ko raw lahat kasi kapag iniipon, lalong bumibigat. hindi ko alam, bigla nalang tuloy ako naiyak. tapos yung batang nasa tabi ko, nagising at ngumiti sakin ng bonggang bongga. napahagulgol tuloy ako na parang siraulo. hindi ko na ata alam ano dapat ang maramdaman ko sa buhay ko ngayon. nagpapasalamat ako dahil binigay Niya samin si jami pero hindi ito ang pinapangarap ko. humahawak pa rin ako sa mga pangakong limot na. sobrang rambol rambol na ng isip at puso ko. sana makayanan ko pa..

hanggang kelan ba ‘to. 😭

may mga tao kasing hindi siya nakikita sa paraang nakita ko. kaya hindi nila maintindihan.

“bakit pabalik balik lang?”
“wag na yun.”
“seryoso? siya pa rin?”
“wala naman na diba?”
“may mapapala ka pa ba?”
“alam mo naman na yan diba?”
“sus, ikaw rin.”

bakit, ano bang akala nila, na hindi ko pa naitatanong yan sa sarili ko? sa maniwala sila’t sa hindi sa loob ng apat na taon, milyon milyong beses ko na yan tinanong at inisip ng inisip. pero siguro nga kapag tinamaan ka talaga ng lintik, wala. wala ka nang magagawa.

mahirap kapag yung ibang tao nalalaman lang ang nasa isip mo at hindi naman naiintindihan. maswerte ko at may iilang tao akong napaglalabasan ng hinanaing sa mga minsa’y walang kwenta kong rants sa mundo at buhay kaya nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon sa araw araw na pagtitiis ko. kung kapalit ng kaligayahan ng puso ko ay ang kaligayahan ng pagiging buo ng anak ko, go lang ng go.

naniniwala pa rin akong darating ang panahon para sa sarili kong kaligayahan. tho masaya pa rin naman ako dahil kay Jamila myloves. 💓

bakit kaya yung ibang tao napakadali para sa kanilang sabihin ang “i love you” kahit hindi naman talaga nila nararamdaman? ako nga hindi ko masabi yun sa taong kasama ko ngayon e. mahal ko siya sa paraang siya ang ama ng anak ko pero masasabi kong hindi ako masamang tao dahil hindi ko siya minamahal as husband, pero atleast, hindi ako nagsisinungaling sa kanya. basta’t nandito lang ako, sapat na yun. para kay Jami lahat titiisin ko.

“We will find each other again & maybe the stars will have changed & we will not only love each other in that time, but for all the times we’ve had before.”

“pano kaya kung hindi ka nabuntis?”

tanong sakin ng ama ng anak ko kagabi. napaisip ako buong magdamag. paano nga kaya? siguro hindi ko pa rin mapapahalagahan ang buhay, ang mga magulang ko, ang pag-aaral, ang sarili’t mga pangarap ko. siguro puro pa rin ako bulakbol. siguro puro pa rin ako inom, yosi, kaibigan. siguro hindi ko pa rin magegets ang “family comes first.”

..pero pwede ding, siguro iba na ang kasama ko. siguro bumalik pa rin ako sa kanya. sa kung sino ang minahal ko ng sobra. siguro nabalik niya ulit ako sa dating ako na matino at may pangarap. siguro maayos na ulit ang buhay ko. SIGURO.

ang dami dami kong what if’s at regrets. ang masaklap pa ay wala akong magawa kundi ang ma-ipit sa sitwasyong tama. at ang sakit sakit na.

minsan may mga kaibigan ka talagang pinagkakatiwalaan pero nagagawa ka pa ring pag-usapan tuwing nakalikod ka. akala nila hindi na ako nakakasagap ng mga chismax dahil mommy all the day na ako. pbbht. hu u na kayo sakin.

abay mga gago.

kung hindi ako nabuntis siguro palagi pa rin akong umiinom at walang papupuntahan ang buhay. salamat Lord dahil binigyan mo ako ng responsibilidad at dahilan para ituwid ang buhay ko. kaya sa mga wala namang alam sa buhay ko at sinasabing sayang at maaga akong nabuntis, hindi niyo lang alam napakalaking blessing ni jami sakin. hindi na namomroblema ang nanay ko kakaisip nasaan ako tuwing madaling araw. pati ang atay at baga ko napahinga sa toxics ng mga bisyo ko noon. at higit sa lahat, alam ko na ang gusto ko sa buhay ko. yun ay ang maging proud sakin ang anak ko pati na ang tatay niya at lolo’t lola.

SOON! please guide me Lord.